Saturday, November 24, 2007

Nobelista


Medyo busy ako nitong mga nakaraang araw at akin ng napagdesisyunang simulan ang nobela na pinakatagal tagal kong gawin.

Actually, nakakapanibago, kasi iba ang pagsusulat sa dyaryo at blog, pati na rin copy para sa ads, over writing your own novel. Mas mahirap ang proseso, kasi gusto mopng ilarawan bawat detalye ng nangyayari sa piankamagandang paraan na mavivisualize ng reader ang sinasabi mo.

Kanina natapos ko na nag page 1. (syet, sabi ko nga sa inyo mahirap.)

Pero wag kayong magalala, pag natapos nko na ito (siguro after 48 years) eh ititimbre ko agad sa inyo at kung ito man ay malathala ay siya ko namang pipirmahan para me souvenirs copy kayo hehehehe.

Pangarap kasi ng kahit na sinong manunulat na makapaglathala ng kanilang obra. Sa kaso ko, sa dami ng naiisip kong pwedeng iplot sa nobela eh siya ring dami naman ng ginagawa ko, kaya hayun, natengga na sa isp ko at di na mabalikan. (ehem, nawala ko kasi ung susi)

Pero heto, tinry kong subukan at baka nga makayanan. Try lang naman, sabi nga nila , di ba, try and try before you die....

Teka lang, me naisip kasi ako...babalik ako....

Monday, November 19, 2007

Lamig

Paglabas ko ng bahay kaninag umaga eh bigla akong kinilabutan sa lamig ng hangin na sumungaw sa mukha ko. Syet, sa sobrang lamig, walang sinabi ang Baguio at Tagaytay kapag pinagsama mo.

Palagay ko eh papasok na ang winter dito sa Dubai. Alm ko, alam ko, pumupukaw sa isip mo ngayon na "Anong winter eh nasa Middle East Ka?"

Lumalamig talaga dito, sabi nila dalawa lang talaga ang seasons dito sa Dubai, Summer and Winter. Pagkatapos ng pagkainit iit na summer eh big welcome sa akin itong pagpalit ng klima.

Kaakibat nitong bagong lamig eh ang makapal na fog na siya naman talagang babalot sa buong siyudad kapag nakita mo. In fact, Alas siyete pasado na at mataas na ang sikat ng araw eh puro fog pa makikita mo sa daan. Mas malamig ang mga ulo ng mga tao ngayon at hindi katulad ng dait na pati ang betlog mo nagiging hard boiled sa init.

Pag nakakita ka nga ng kabayan n gayon o kahit na mapaibang lahi eh nakangiting bumabati ng hi and hello.


Pag ganito actually ang klima, mas masarap umuwi na lang at magsnuggle up kasama ang mga mahal mo sa buhay. (Dati, marami akong mahal, ngayon isa na lang hahahaha)

Teka, baka kung ano pa masabi ko dito. Magpapalamig muna ako.

Saturday, November 17, 2007

Saan Ka Pa..Etong Malupit

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit anim na araw ang pasok namin dito sa opisina habang ang ibang mga kompanya naman eh dalawang araw ang weekend nila. Minsan, kapag me nakakausap akong kabayan dito sa Dubai ang unang tanong na lumalabas sa bibig ko eh , ilang araw day off mo?

Labo rin kasi, sa isang araw kailangan mo ng gawin lahat ng gawaing bahay, tulog at pati na rin pamamasyal. Hectic, ika nga.

Kaya, heto na naman ako ngayong Sabado, nakatanga sa monitor ko at nagiisip kung anong magandang gawin.

Ano pa, eh di magblog muna.

Nakakatuwang magiiklot sa mga iba ibang lugar dito sa internet at tiyak meron kang kagigiliwan na mga kwento.

Para ka bang nagbasa ng isang tabloid na hindi nauubusan ng storya.

Infact, kung sisilip ka ngayon, ang mga kwento na pumukaw ng atensyon ko ay talagang mapapanganga ka sa tuwa at gulat.

Merong isang babae sa United States ang anaksak ng isang pitbull dahil kingat nito diumano ang kanyang pusa. Syet, eto, tinign ko over.

Sa China naman, binwalang ang mga bombero nito na huwag tumanggap ng mga sexual bribes na sinusuhol ng mga may-ari ng mga building or establishments na ininspect nila. Hakampootah, kung hindi lang ako busy dito sa Dubia malamng magaaply akong bombero diyan. Putsa, walang sinabi yung mga intsik na bumbero sa ongpin.

Eto ang pinakamalupit, isang pastor ang nagulat matapos magdasal, syempre pa nakapikit siya, ng mapansin niyang merong paranag naiba. Ayun, nun palang nagdarasal ang mokong, at tyempo ngang nakapikit, merong nagmala Speedy gonzales at tinangay ang laptop ni Father. Hindi sa pinas nangyari ito (where most of the readers would think it happened)., kundi sa Tate. Sa Arkansas, (arkansaw pagpronounce ha) kung saan taga-roon si bill clinton.

Kawawa naman, nagdasal nga para humingi ng biyaya, nawalan pa.

Ayoko sana pero hirap talaganag hindi sabihin; I don't know what this world is coming into.

Wednesday, November 14, 2007

Ang Pagbabalik

Naku, eto na naman po ako. Pasensya na po at sa dami ng aking trabaho, hindi ko nakuhang magbalanse ng ibang blog maliban sa Slap Happy.

Pero eto na po ako uli at muling nagbabalik sa inyo. I missed you all, sana po ay magtangkilikan po tayo muli.

Isa sa mga bagay bagay na nagudyok sa aking bumalik sa pagsusulat sa blog na ito ay dahil sa isang kaguluhan mula sa mga dati kong mga kasamahang reporter sa Subic.

Aba'y nagkakalituhan sila ngayon dahil sa isang paratang na binigay na ang amga reporter daw sa Subic ay nabibili at madaling bayaran.

I beg your pardon, excuse me and shat ap. Hindi totoo ito.

Unang una ay ang mga reporter sa Subic ay may marangal na pangalang pinakaiingatan. Maliban sa ilang masasamang damo, hindi nabibili ang media dun. Kahit siguro magiiiyak ka pa sa haraoan nila para tanggapin yung suhol mo at manigas wala pa ring mangyayari.

Hay, naku, pasensya na, medyo kasi mainit dugo ko sa isyu na tio, palibhasa kasi mga kasamahan ko ang in question.

But hey, kung gusto niyo, imbestigahan nyo na lang para malaman kung ano talaga ang totoo.

Letse.

Monday, July 23, 2007

Wala Lang (No.4)

Heto na naman po tayo sa Wala Lang..mga samo't saring balita mula sa iba-t-ibang parte ng munbdo na labis kong kinagiliwang basahin at ngayon ay shinashare ko sa inyo para kwyo naman ang magiliw.

Sa nigeria, laking gulat ng isang foundation na nagdonate ng laptops para sa mga estudyanteng afrikano ng malamn nila na ang mga laptop ay hindi ginagamit para sa kanilang pagaaral kundi para sa pagsurf ng porn sa internet.

Laking gulat at iling na lang ng ulo ng "ONe Laptop per Child" aid group ng madiskubre nila na ang mga dinonate nilang mga computer para mapabuti ang pagaaral ng mga poor yet deserving students eh ginagamit pala para makapagsurf ng mga malalaswang pictures and sites sa internet.

Siyet, kayo naman kasi, di pa sa Pilipinas nagdonate...ano ba naman ang maglaro ng Ragnarok over porn....

Sa israel naman, isang lalaki ang nagulat rin (as in ngeeeh.) ng malaman niya ang resulta ng kanyang pinaiimbistigahang anak na babae sa suspetsang ito ay may kalaguyo. Sa bandang huli, ang nalaman ng imbestigador na nagloloko pala ay ang kanyang asawa...(ngee talaga).

Sa Memphis naman, isang wais na businessman ang nagpasimula ng isang lawnmowing service (paggugupit ng damo po yun) na talaga namang hit na hit sa mga parokyano. Ang siste, ang magpuputol ng damo ay mga babaeng nakabikini.

Hakampootah naman, what is this world coming to..

Saturday, July 21, 2007

Paalam Ahli and Lachelle

Ilan sa mga kasamahan ko dito sa trabaho ang umalis at naglast day nung Huwebes. Malungkot mang isipin pero career advancement para sa kanila ang kanilang paglipat ng kompanya.

Nalulungkot ako na masaya rin dahil kahit papano, sa ilang buwan naming pagkakasama ay naituring na namin ang isa't-isa na kaibigan.

Sabi sa akin ng isa kong kasama na hindi bago ang magpalipat lipat ng kompanya hangga't di mo nakukuha ang ideal na sweldo na gusto mo. Eh ano nga ba namam ang pinunta mo dito sa Dubai, hindi ba't para makakita ng trabaho na maayos para makaipon at makapagpadala sa atin? (Actually, ako gusto ko lang magpapicture sa Burj Al Arab)

Sa sobrang bilis ng pamumuhay dito, hindi mo rin matanggal sa isip mo na lumipat ng trabaho kung meron ding nagoffer sa iyo ng mas mataas na sahod. Convenience of lifestyle nga siguro ang laro dito. Dahil bukod sa iniisip mo ang pagpapadala sa atin eh yun namang gastos mo dito ay dapat ring maayos.

Balewala na rin ang loyalty and the concept of having the company grow on you. Ganun pa naman ako, which is why it took me 12 years before i finally realized na need ko namang magcareer shift.

Ang sa akin kasi, the 12 years zoomed by so fast and kahit maliit lang ang sahod ng isang PR officer eh nakuha ko naman ang satisfaction na nakatulong ako sa development ng company (siyet, siya nga?). Yun lang, nitong bandang huli, talagang nanaig na lang sa akin ang financial concerns over self satisfaction. I had a family to think of kaya heto at sinabakan namin ang Dubai.

Nung minsan na nagkita kami ng isa kong dating kasamahan sa Subic eh sinuma niya ang sentimyento namin; lumalabas kasi ang pinagiipunan natin ay para sa sarili natin, pensiyon ika nga..at least dito, para sa mga anak ko ang sweldo ko, nakaipon pa ako.

Mabalik sa pinaguusapan, sa ngayon ok ako dito sa pinapasukan ko. Comfortable ang payscale ko at nakikita ko ang worth ko with the way i am treated by my peers. Ayos lang.

HIndi pa pumapasok sa isip ko ang lumipat, actually, i have been tempted by a few offers already pero desidido ako to stick it out with this job. At the end of the day,ang pamantayan ko na "did i make a difference is still yes for an answer."

Yun nga lang, nawalan ako ng 2 kasamahan na kayosihan ako sa hallway pag smoking break. Wala na akong kakwentuhan niyan pag tinatamad ako. Pero harinawa (ayos, harinawa ha.) ay maging masaya sila sa kanilang desisyon at sana ay magkita-kita muli kami sa hinaharap.


Tuesday, July 17, 2007

Wala Lang (No.3)

Meron akong nabasa tungkol sa isang bus driver na muntikan ng magpababa sa isa niyang pasaherong babae dahil sa sobrang kaseksihan nito.

Hehe. Masyado daw kasing revealing ang suot at kitang kita ang cleavage kaya hayun, ang pobreng driver nagbitiw ng salita na tuwing tumitingin daw sya sa rear view mirror niya ay nakikita niya ang cleavage ng babae. Maayos namang pinakiusapan ang babae na lumipat. Yun nga lang at napahiya ang babae.

Pinagtanggol naman ng busline ng tsuper at sinasabing tama nga naman ang ginawa ng driver.

Yun nga lang, ang storyang to ang nagsisira sa ating dakilang linya na "Basta driver, sweet lover"

Baka nga naman mabangga kasi.

**********

Dito naman sa Dubai ay may hinuli na apat na kalalakihan sa pagpatay ng isa nilang kasamahan matapos makipaginuman.

Etong kwento, nagiinuman sila, ayun nagkapikunan (hindi naman siguro sa pagkanta ng "MY WAY"). Sinapok nila yung makulit at pinagtulungan..dedo.

Ang nakakatawa sa mga pobre, ang ginawa dahil nagpanic ay nilagay nila ang bangkay sa ilalim ng harapn ng isang nakaparadang bus at pinalabas na nabundol ang biktima.

Syet, genius.

Kaso nabisto, dahil ng makuha ang bangkay ay nagtataka ang pulis kung bakit me ilang spattering of blood sa isang malapit na pader.

Kabilin-bilinan kasi ni lola wag malulong sa alak.

*********

Sa India naman, isang bagong balita..lmasaya nilang inaanounce na meron silang bagong flavor para sa kanilang mga condom..maari na rin kayong makabili ng condom na betel nut flavored.

Para sa mga hindi pamilyar sa betel nut, eto po yung nganga. Yun pong nginunguya ng ating mga lola sa probinsya.

Napakacreative. Sipsip buga nga naman.

Monday, July 16, 2007

Happy

Nakangiti ako hanggang tenga these past two days dahil sa mga ilang bagay-bagay na talagang nagpataas ng confidence ko. Believe me, pag nakatira ka sa ibang bansa at nagtratrabaho, walang iba pang mas sasarap sa vote of confidence ng amo mo.

Grabe kamo, ika nga nila eh I must be doing something right.

Pero pag tinanong mo ako kung ano yun kamo, eh di ko sasabihin, kasi secret lang namin yun ng boss ko.

Hahahaha.

Serously, let's put it this way, hmm, hindi ako masyadong mahihirapan na sa gastusin dito in the next few months.

Another thing which has made me smile eh yung ilang bagong libro na nabili ko last week. I chanced upon a bargain bin of books here (naku p're bihirang bihira yun dito) and i got to buy a few Grisham novels.

Kaya pag medyo nabobore ako eh siguradong me bitbit akong libro na pwede kong basahin.


Friday, July 13, 2007

Samo't-Sari

Kakagaling lang namin sa isang weekend at buti naman at nakapagpahinga rin kami ng maayos. Ang sistema kasi dito, ay 6 days of work at only one day of rest kaya lahat ng gusto mong gawin eh isisingit mo lahat sa isang araw na yun.

Sa akin, andun na yung matulog , kumain at manuod ng mga nakatenggang mga dvd sa bahay.

Kasama na rin dun yung paglaba, pagplantsa at pati na rin paggrocery.

Actually, kung titingnan mo, para ka ring hindi nagday-off.

Medyo matumal ang pagpost ko at last week kinabitan kami ng high tech na server sa opisina. Ang galing ng ungas na server, minomonitor niya ang internet privileges namin dito sa office. Kaya ang mga tao dito ay nagkakaroon ng YM and friendster withdrawal symptoms.

Natawa naman ako sa isang kantang narinig ko sa radyo kaninang papasok ako..di ko nacatch yung pangalan ng kanta pero one line made me actually think;

"Everybody loves a bosom for a pillow"


Ayos, ang kantang yan ay most likely ginawa ng isang taong mahilig magunan ng dede.

Catch you later, alligator.

Sunday, July 08, 2007

Wala lang....(No.2)

Dahil sa napakalaki ng syudad ng Dubai, pag nagbasa ka ng libre nilang dyaryo, eh kung ano anong balita ang makikita mo na tiyak matatawa ka.

Isa sa mga balitang nabasa ko recently is about this Pakistani taxi driver na nastuck ang kamay sa fuel tank ng sasakyan nya.

Ang pobre kasi, sira ang fuel gauge kaya hayun, nagmanomano, sinuksok ang kamay dun sa tanke at sinipat kung hanggang saan na lang ang gas niya.

Ayun lang, sumabit..este naipit.

Mahigit tatlong oras na nastuck ang kamay ng driver at inabot ng isang buong team ng Difficult Missions (i swear, yun talaga ang tawag sa kanila) group ng Dubai Police.

Ang siste, hiyang hiya ang driver dahil nagkumpulan ang mga manonoood sa kanya (sigurado ako me pinoy dun). nang matanggal siya, wala na rin, baklas-baklas ang kanyang kotse.

**********

Isa namang Kenyan national ang nakaisip na ipadala ang kanyang sarili via a big box through a carrier. Aba, may magugulang din pala sa mga Kenyan.

Nagprepare na si loko ng supply ng panganim na araw, isang maliit na oxygen tank at damit pangpalit.

Ang kaso lang eh ng nasa airport na yung box eh nadelay ang sasakyan nitong eroplano, si loko nagpanic sa loob dahil six hours na siya dun. Di rin siya nakatagal, ayun, nagtotoktok dun sa box at nanghingi ng tulong.

**********
Maiba naman, pasensya na at di ako masyadong nakapagpost these past few days at medyo busy si Anton. Kinailangan kasi naming magexit to Kish, Iran to give enough leeway time for our respective companies to work on proper visa arrangements.

Ok naman sa Kish. Contrary to what we've been told about the place eh wala naman akong nakitang desperadong pinoy at hindi naman sinusurot ang hotel na tinuluyan namin.

Yun lang at kahit dun ay mainit kaya super kulong lang sa hotel ang ginawa namin at nanuod lang ng cable.

Mura ang yosi, kaya super bili ako ng marami para stock.

Nakabalik na kami bago magstart ang weekend dito.

Monday, July 02, 2007

Isang Mahalagang Katanungan....


Pabalik ako sa office after having lunch with some colleagues when one of them asked;

"Kuya, bakit ba kayong mga journalists eh parating nakabackpack?Me usapan ba kayong lahat na yan ang official bag ninyo?"

Hmm, napaisip ako dun sa tanong na yun..

Convenient kasi ang backpack para sa work ng isang journalist. Anytime, kasi, you will never know kung saan ang next coverage mo. Paano kung me takbuhan sa rally, o kaya siksikan sa isang courtroom o kaya bigla kang mapapasakay ng barko.

E alangan namang bitbitin mo eh yung parang laptop bag, medyo me kahirapan di ba.

At saka, ano ba ang pangkaraniwang laman ng bag ng isang poeryodista. Siyempre andun yung essentials na notebook and pen,digital camera, kikay kit (unisex type), mga used envelopes (hahaha, joke lang)and reference materials.

Naalala ko na nung minsan ay nagcover ako ke Presidente sa isang occasion sa Clark eh bago makapasok sa venue ay nagchecheck sila ng bag. Nang pinacheck ko yung bag ko, naalala ko na yung magazine na FHM na binabasa ko sa sasakyan nung papunta kami ay nandun pa pala. Naku, laking tawa ng mga PSG sa akin. (actually, kulang na lang eh hiramin muna habang nagcocover ako).

At meron kaming premium na sinusunod sa mga backpack. Kailangan ay matibay, yun bang kaya ang wear and tear. A photographer friend of mine, Jun Dumaguing, eh umoorder pa sa US ng backpack na pangcamera talaga. Tsong, kulang yata Bente mil para sa isang ganung bag.

Pero wala naman talagang usapang lahat kami ay magbackpack...nauso lang siguro.

Sunday, July 01, 2007

Wala lang....

Kakaiba talaga ang init dito ngayon sa Dubai. Halos maging boiled eggs ang eggs ko pag naglalakad sa daan. I mean, mainit sa PInas pag summer pero hindi ganito kainit. Kaya along with the heat comes the perspiration. Grabe, siguro timba-timbang pawis ang nalaglag ko na dito.
**********
I had to call up the Philippine Embassy here the other day to ask about some technicalities sa pagstay ko dito. Nakakabadtrip lang kasi no one can give you a straight answer , puro refer to another person. Natransfer yata ako ng may ilang beses sa kung sino sino . Dapat ay magtalaga sila ng isang tao na makakadress sa mga concerns ng mga kabayan dito. Caling caling..are you there...
**********
So, si bea pala ang nanalo sa PBB Season 2 Grand night...hmm, i never rewally didn't like her but in the end, i guess she put on a good show for everyone. My heart still goes out for Ge-ann though.
**********
Mukhang naadik ako dun sa movie forumz site na sinabi ko last time, aba'y para rin akong nakababad sa cable tv.I caught up with Pulp Fiction and Office Space. Galing talaga.

Saturday, June 30, 2007

Lugi Si Bruce Willis

Bilib din ako sa mga bagong website na naglalabasan ngayon. Around ten years ago, ang internet ay parang isang malaking depository ng information, kaya nga siguro ito tinwag na information superhighway. Noon, parang ang prime purpose is to do email, research and watch some short videos and listen to music. Medyo primitive pa noon kaya maswerte ka na kung makapanood ka ng movie trailer na walang patid sa connection.

Ngayon, halos lahat ay magagawa mo na sa internet. Almost everything is connected and can be accessed. Medyo mahaba ang pasakalye ko, pero i think you're getting my point.

The reason why i'm blabbing about the internet's modernization is laking gulat ko kagabi ng mabisita ko ang site na movieforumz.com at akalain mo ba namang mapanood ko in full lenght ang bagong movie ni bruce willis na Die Hard 4.


Hakampootah, ang linaw. Ang bilis. Wala akong masabi.

However, di ko kayo maencourage to do this course of action. Malulugi si Bruce, pero what to do, mahirap tanggihan ang libre. Yun nga lang, ang lupit ng mga pirata ng world wide web. In fact, kung bibisitahin niyo ang site na ito eh ang dami mongn makikita na bagong pelikula na pwedengt idownload or pwedeng panoorin online.

Hindi na ako mabibigla if in the next few days mapapnood ko na rin ang Transformers dito.

Teka, mukhang maniningil na ako dun sa me ari nung site na yun at napromote ko sila ng hindi ko alam.

Oops, teka, isang paalala lang po. Maraming salamat po sa mga bumibisita dito sa hakampootah. Continous ang pagaayos ko sa site para mabigay ko ang pinakamagandang porma para sa inyo. Siya nga pala, nasa Friendster na ako and masaya kung magkakasama rin tayo dito. Puntahan niyo po ang account ko at sana ay i-add niyo ko sa friends list niyo ha.

Friday, June 29, 2007

Crime Does Not Text...Or MMS


Isa sa mga nabasa kong news article kaninang umaga ang talagang nagpaugong ng aking funny bone. Minsan talaga, hindi mo akalain na laganap din pala ang katangahan sa ibang parte ng mundo

Sa Berlin, 2 teenger na babae ang nangahas na nakawan ang isa pang mas nakababatang teenager na babae. Kinuha ng dalawa ang lahat na kagamitan ng bata; sapatos, pera at pati ang kanyang cellphone.

Siguro ay dahil naawa sila sa kanilang biktima ay binigyan nila ito ng isang lumang phone at saka sila nag great getaway.

Yun nga lang, ung kanilang kabaitan ang siyang nagpahamak sa kanila.

Dun pala sa mobile phone na kanilang binigay eh andun yung kanilang mga pretty faces…hehehe, nakasmile pa nga raw.

Kaya hayun, kinagabihan ay nasa balita sila sa TV. Their faces were flashed out on a news item where everyone that knew them started calling their parents up.

What to do? Eh di ayun, yung mismong magulang nila ang nagdala sa kanila sa kulungan.

Kaya ang moral of the story ay ganito; bago mo maisipang gumawa ng kahit na anong kalokohan ay iwanan mo ang iyong cellphone sa bahay.

Tapos ang kwento.

Thursday, June 28, 2007

Ang Aking Punto De Bista

Medyo inaaning-aning ako dito ngayon sa opisina namin. Ang ganda pa naman ng simula ng araw ko--nice breakfast, no traffic at good mood. Kaso, nasira ng malaman ko na kahit anong pakisama ang gawin mo sa ilang kasamahan mo dito eh medyo iba pa rin an g treatment nila sa iyo dahil hindi mo sila kalahi.

Ilang linggo na akong naghihintay ng aking mga nirequest na supplies dito tulad ng stapler, puncher, binders, lapis, bolpen, baterya at kung ano ano pang kailangan ko para dito sa desk ko.

Tuwing tinatanong ko ang supply officer namin ay iisa lang ang sagot niya; Don't worry, it's coming.

Aba'y coming siya ng coming eh hanggang ngayon waiting pa rin ako ng waiting. Ang intindi yata ng supply officer namin sa Coming eh kaalinsabay sa second coming of Christ. Aba'y matagal pa nga yun.

Tapos, makita ko kanina, lahat ng tao sa paligid ko ay nadeliveran na ng supply tapos ako wala.

Putsana, what the...?!!?!

Ang labo ng ginaganito ka. Yun bang kahit na anong pakita mong pakikisama eh para ka pa ring siyet sa mata nila.

Kaya eto, nagpopost ako. Wala akong balak magtrabaho for the rest of the day, at kapag me umangal sasabihin ko i am still waiting for my supplies which i need to perform my functions.

Ewan ko lang kung mataranta sila.

Wednesday, June 27, 2007

Facelift

Mukhang nagiging seryoso na itong social experiment ko na 'to. Kung papansinin niyo ay mayroong mga pinagbago na sa hitsura.

Kung may gusto kayong isuggest, please feel free to do so.

Salamat....this site is under construction. This is where your taxes are being spent. If you do not pay your taxes, then we are not spending your money. Good for you.

Tuesday, June 26, 2007

Wow Dubai

Habang sinusulat ko itong post na ito ay naglalaro sa tabi ko ang anak ko na si Chino at nagbabasa naman ng libro ang aking butihing kabiyak.

Meron na rin siguro kaming 2 buwan na mahigit dito sa Dubai at sa awa naman ng Diyos at sa kabutihan rin ng mga kamag-anak at ilang kaibigan ay nasa maayos na rin kaming tirahan at kapwa maganda na rin ang aming nakuhang trabaho.

Talaagng mahirap ang mga unang linggo mo dito sa Dubai. Marami kang adjustments na gagawin at marami kang dapat pakisamahan at pakibagayan.

Pero teka, hindi naman ito talaga ang paksa ko sa post na ito kundi ang mga ilang bagay na tiyak ay napapa-wow ako.

Dito sa Dubai, iba-iba ang lahi, me puti, me itim, me dilaw at meron ding brown. Kaya sigurado ay para kang nasa foreign movie na halos puro mukhang artista ang mga kasabayan mong maglakad.

Ang mga building dito ay grabe ang taas. Sa sobrang taas nga ay pag sumakay ka ng elevator (este Lift pala tawag nila dito)ay matatapos mo na ang dyaryong binabasa mo eh tiyak wala ka pa sa palapag na pupuntahan mo.

Yung dyayryo na binabasa mo sa lift ay libre. Akalain mo na libre ang balita dito.

Mura ang pagkain at ibang basic items, mahal lang ang mga luho na tulad ng sine. (Pero not to worry, uso rin naman dito ang Pirated DVD at Limewire)

Hindi uso ang text dito, mura kasi ang call rates kaya yung itetext mo, itawag mo na lang. (wag ka lang tatawag sa Pinas at tyak ubos ang load mo).

Alam mo naman tayong mga PInoy, even the smallest things make you happy.

Sana nga ay magtuloy-tuloy ang swerte. Hirap na ring mAgdecide umuwi...daming bagahe.

PS: Salamat nga pala at dinalaw ako dito sa Hakampootah ng sikat na Blogger na si Unkyel Batjay ng Kwentong Tambay .Sana ay maaliw ka rin tulad ng pagkaaliw ko sa blog mo.

Ayos Tol....

Nabasa ko sa isang news article sa Yahoo na ang mga nakakulong na sex offenders sa Sweden ay binigyan ng freedom na magbasa ng mga bomba magazines habang sila ay nakakulong.

Hakampootah naman, kaya nga sila nakakulong eh dahil gumawa sila ng malaswang bagay na dapat nilang pagbayaran tapos eto, pagpasok nila sa kulungan eh the same shit that drove them to perversion is still available to them.

Medyo malabo. Pero ayon sa batas nila, ang isang bagay na binigyang diin ng kanilang korte (in this case the privilege to have such reading material)ay hindi pwedeng baliin.

Kaya, sa madaling salita, mahirap makulong sa sweden. Aba'y pagpasok mo pa lang dun alam mo na kung anong iniisip na gawin sa yo.

Sasakit talaga wetpu mo.

Monday, June 25, 2007

Sindakan lang

Minsan talaga kapag minamalas ka, meron at meron kang makakasama sa opisina mo na kahit tahimik ay me kumukulong ka eng-engan sa ulo.

Alas-sais na ng gabi, kakatapos ko lang na naman ng isang buong araw ng trabaho.Siyempre masaya ka. Dahil sa kasiyahan na aking nadarama ay nakuha kong pumito habang naglalakad ako sa hallway ng opisina.

Aba'y akalain mo ba namang habulin ako ng isa kong kasamahan at pagsabihan ako na wag daw akong pumito at hindi daw maganda yun.

Hakampootah...ano kamo.

Biglang nagpanting ang tenga ng bida, actually namula-mula pa. Sasagutin ko sana eh kaso naisip ko na baka pag pinatulan ko eh umiyak. (Sasabihin ko kasi maliit yung kanya.)

Umoo na lang ako at ng tumalikod pumito na naman ako.

Asar.

Minsan nga hindi ko alam kung ako ang me eng-eng o sila.

Sunday, June 24, 2007

Usapang Kulangot


Ang sumusunod ay mga resulta ng pagbabalintataw habang ako ay nagiisip at nangungulangot....

**********


Ang tsaa pala ay masarap kapag nilalagyan din ng gatas. Hmm, bago kasi sa akin ito kaya ngayon ko lang nalaman. Malinamnam.

**********

Ang tawag naman nila dito sa dubai sa tsaa na hindi nilalagyan ng gatas ay Solliman.

**********

Ang tawag naman sa tsaa na walang tsaa ay hot water.

**********

Ang tawag naman sa tsaa na walang water ay tsaa.

**********

Ang tawag naman sa bumasa at nagpilit umintindi ng post na ito ay tsa-nga.

Ang Aking Dilemma

Medyo nakakaasar lang dito sa opisina namin ay kahit na anong high-tech niya ay siya pa ring baho ng aming CR, este loo pala.

Kaya tuloy hindi ako basta basta pumapasok. Aba'y para kang sinuga ng tear gas pag pinasok mo yung panlalaking loo dito.

Ang mga solusyon...medyo may kahirapan dahil ang isang pwede kong gawin eh bumaba at maki-cr ..este maki-loo doon sa macdonald's na malapit sa building. Ang siste lang, nasa ika-28 palapag kami at kahit na magelevator ako me kalayuan pa rin. Bukod pa nito ang tindi ng init sa labas

Ang ikalawa kong solusyon eh medyo risque, dahil kapag walang nakatingin bigla akong tumatakbo at pumapasok sa loo ng babae. hehehe. I don't recommend the secoudncourse of action at mahirap na at baka madeport ako, kadarating ko pa lang.

Hmm, paano kaya ito.

Subukan Natin Uli....

Ok, alam ko me hihirit pero teka muna, eto na nga...pagkatapos ng mahigit isang taon na pananahimik sa blog na ito ay nagkaroon ako ng panibagong interes na magsulat sa wikang Filipino.

In short, medyo bored ako ngayon kaya me panahon para ayusin itong aking social experiment....hehehe,mactually, its my foray into writing in the native language.

Tutal, mukang meron rin namang crowd na magbabasa. Sa pagiikot ko sa blogosphere (naks) eh merong ilang mga blog na tagalog na binibisita rin ng mga blogger.

And since, nagsisimula ako sa kamot (i am starting from scratch), medyo iuupdate ko lang kayo.

Mula sa Subic, lumipat na ako sa mainit na lugar ng Dubai dito sa UAE. Mga kapatid, tama ang sinasabi nila, talagang madaming pinoy dito. Kahit san ka lumingon e merong kabayan. Mapagrocery tuloy eh meron ding mga items na sadyang galing sa atin. Opo, ultimo Boy Bawang ay meron dito.

Nagtratrabaho ako dito bilang isang Senior Communications Executive. Wag na kayong magtanong kung ano talaga ang ibig sabihin nito dahil pati ako naguguluhan. Basta kung ano ibigay ng amo ko, ginagawa ko.

Halo-halo ang mga kultura dito, kaya halo-halo din ang amoy. Sa una eh mashoshock ka dahil parang me kumain ng shawarma pero di mo makita kung nasaan ang shawarma stand. Pero you will get used to it. Kung di mo talaga makakayanan eh pigilan mo hininga mo. Yun nga lang eh baka naman malagutan ka.

Ang nakakatawa dito eh marami ring klase ng kabayan dito--me mabait, me nagbabaitbaitan at meron ding holier than thou. Naku, pag tapak mo dito eh para kang probinsiyanong pinakawalan sa siyudad..kahit tiga makati ka pa eh tiyak na malulula ka sa tayog ng mga building dito.

Para ka ring nagcollege ulit kasi sigurado ay titira ka sa isang kwarto na puro double deck at kapwa pinoy ang kasama. Feeling dormitory life ka sa una, pero kapag nakaluwag luwag ka na at tingin mo ay kaya mo na, siya, umupa ka na ng kwarto mo.

Sana ay samahan nyo ako sa mga susunod na araw at titiyakin ko na magigiliw kayo sa akin. (Sabi kasi ng nanay ko Kyut ako)

Hanggang sa muli.