Tuesday, June 26, 2007

Wow Dubai

Habang sinusulat ko itong post na ito ay naglalaro sa tabi ko ang anak ko na si Chino at nagbabasa naman ng libro ang aking butihing kabiyak.

Meron na rin siguro kaming 2 buwan na mahigit dito sa Dubai at sa awa naman ng Diyos at sa kabutihan rin ng mga kamag-anak at ilang kaibigan ay nasa maayos na rin kaming tirahan at kapwa maganda na rin ang aming nakuhang trabaho.

Talaagng mahirap ang mga unang linggo mo dito sa Dubai. Marami kang adjustments na gagawin at marami kang dapat pakisamahan at pakibagayan.

Pero teka, hindi naman ito talaga ang paksa ko sa post na ito kundi ang mga ilang bagay na tiyak ay napapa-wow ako.

Dito sa Dubai, iba-iba ang lahi, me puti, me itim, me dilaw at meron ding brown. Kaya sigurado ay para kang nasa foreign movie na halos puro mukhang artista ang mga kasabayan mong maglakad.

Ang mga building dito ay grabe ang taas. Sa sobrang taas nga ay pag sumakay ka ng elevator (este Lift pala tawag nila dito)ay matatapos mo na ang dyaryong binabasa mo eh tiyak wala ka pa sa palapag na pupuntahan mo.

Yung dyayryo na binabasa mo sa lift ay libre. Akalain mo na libre ang balita dito.

Mura ang pagkain at ibang basic items, mahal lang ang mga luho na tulad ng sine. (Pero not to worry, uso rin naman dito ang Pirated DVD at Limewire)

Hindi uso ang text dito, mura kasi ang call rates kaya yung itetext mo, itawag mo na lang. (wag ka lang tatawag sa Pinas at tyak ubos ang load mo).

Alam mo naman tayong mga PInoy, even the smallest things make you happy.

Sana nga ay magtuloy-tuloy ang swerte. Hirap na ring mAgdecide umuwi...daming bagahe.

PS: Salamat nga pala at dinalaw ako dito sa Hakampootah ng sikat na Blogger na si Unkyel Batjay ng Kwentong Tambay .Sana ay maaliw ka rin tulad ng pagkaaliw ko sa blog mo.

1 comment:

BatJay said...

hey anton. salamat sa special mention. you write well, tuloy mo lang.