Monday, July 31, 2006

testing

testing lang...

Thursday, July 27, 2006

Etong sa yo...

Sa isa kong blog , merong nagiwan ng komentong "slap me 09*********, i dare you"

Medyo malabo ang dating Man fernando ng comment mo sa box ko, pero, tutal naman ay nandito sa Pilipinas ang nakita kong ip address mo eh dalawa lang ang naiisip ko tungkol sa pagkatao mo...

1. Baka kulang ka lang sa pansin.
2. Baka hindi mo naintindihan 'yung post ko.
3. Baka bakla ka at nagbabakasakali na makaswerte sa akin.

Nevertheless, hirap pumatol sa mga troll na katulad mo. Sana na lang ay makahanap ka ng creative na ways to release your pent up passions....hakampootah, nananahimik ako eh bigla ka na lang mangugulo.

Kaskas mo na lang yan sa pader.

Saturday, July 22, 2006

Labo Naman Nun...

Ang sama ng loob ko dito sa Chowking. Akalain mo ba namang lahat ng inorder ko for delivery pumalpak.

Pasado alas-dos na kasi ng namanlayan kong lumagpas na pala ang lunchtime. May tinatapos kasi akong mga project kaya nawala ko ang pangramdam sa oras (lost my sense of time). Pagtanaw ko sa bintana eh napansin kong umuulan kaya minabuti ko na lang na magorder na lang at ipadeliver sa akin ang pagkain.

Medyo nagkaroon ako ng hankering for chinese food kaya sa Chowking ako umorder. ang inorder ko ay chicken lauriat, extra soup at large na coke.

Aba, pagkatapos ng 15 minutes, andito na iyong order ko. Sa tuwa ko ay binayaran ko ang delivery boy at naghanda na para kumain.

Hakampootah, huli na ng malaman ko na mali-mali ang binigay sa akin ng delivery. Akalain mo ba namang ang nakuha ko ay bangus, iced tea at kropek.

Aba, hindi pwede sa akin yan. Dali dali kong tinawagan ang chowking at inireklamo ko sila.

Ang nangyari, wala. Pacencya na lang daw at masyado silang busy.

Ni hindi man nagoffer na palitan ang mali.

You know what i did, pinuntahan ko ang chowking, pumunta ako sa main counter at nagingles, "Where's your goddamned manager?" (siyempre, maninindak ka...at saka pag naninindak ka, ingles ang gamitin mo.)

Ayun, nataranta sila. Nireklamo ko, ang sabi nila, sorry for the mix-up.Anh sabi ko naman eh ayos lang yun, ang nakakasama ng loob eh wala man lang offer to replace yung maling delivery. Aba, hindi ako nagtatapon ng pera.

Sabi ko, palitan niyo man o hindi, here's your mistake at iniwan ko yung takeout sa counter nila at umalis.

Siyet, gutom pa naman ako.

Friday, July 21, 2006

Unang Saltik

ito ang aking unang saltik sa pagsusulat ng blog na tagalog. wow, mula sa ilang taong pagiingles eh napagisipan ko namang mamuna sa medium na ito. baka kako makalusot, eh subukan na rin.

ano ba ang ilalagay ko rito.balak ko eh mga puna-puna at mga kwentong halaw sa totoong buhay ko, pati na rin sa mga isyung bumabagabag sa lipunan natin, kasama na rin sa mga ibang bansa.

syet, grabe ang pressure, parang ang dami kong gustong ilapat pero di ko maiayos ang aking chain of thoughts.

pero, di bale, stick around at sana ay masiyahan kayo sa aking pagsusulat.

meron din akong ibang blog na nasa information superhighway, eto yung SLAP HAPPY, na matatagpuan dito at dito .

medyo, me katagalan din bago ko naisipang magsulat ng Filipino blog....sorry, hindi, pala, me dalawang oras lang. actually, pauwi ako sa bahay nun, medyo matrapik, nagmumuni-muni ako ng bigla kong naisip..namputa, magsulat kaya ako sa tagalog?

ayun na, hindi ko na macontain sarili ko. akala siguro ng mga katabi ko sa jeep na nababaliw ako dahil para akong tangang biglang nagngingiti at nagtatawa.

unang pumasok sa isip ko eh, ano naman ang ibibigay kong pangalan dito, hanggang sa naalala ko ang parating expression naming magkaibigan kapag may idea na pumasok...Hakampootah...hmmm, sabi ko, di naman siguro masama. Kaya eto na...

Ladies and Gentlemen, ang aking bagong blog.....Hakampootah!