Saturday, July 22, 2006

Labo Naman Nun...

Ang sama ng loob ko dito sa Chowking. Akalain mo ba namang lahat ng inorder ko for delivery pumalpak.

Pasado alas-dos na kasi ng namanlayan kong lumagpas na pala ang lunchtime. May tinatapos kasi akong mga project kaya nawala ko ang pangramdam sa oras (lost my sense of time). Pagtanaw ko sa bintana eh napansin kong umuulan kaya minabuti ko na lang na magorder na lang at ipadeliver sa akin ang pagkain.

Medyo nagkaroon ako ng hankering for chinese food kaya sa Chowking ako umorder. ang inorder ko ay chicken lauriat, extra soup at large na coke.

Aba, pagkatapos ng 15 minutes, andito na iyong order ko. Sa tuwa ko ay binayaran ko ang delivery boy at naghanda na para kumain.

Hakampootah, huli na ng malaman ko na mali-mali ang binigay sa akin ng delivery. Akalain mo ba namang ang nakuha ko ay bangus, iced tea at kropek.

Aba, hindi pwede sa akin yan. Dali dali kong tinawagan ang chowking at inireklamo ko sila.

Ang nangyari, wala. Pacencya na lang daw at masyado silang busy.

Ni hindi man nagoffer na palitan ang mali.

You know what i did, pinuntahan ko ang chowking, pumunta ako sa main counter at nagingles, "Where's your goddamned manager?" (siyempre, maninindak ka...at saka pag naninindak ka, ingles ang gamitin mo.)

Ayun, nataranta sila. Nireklamo ko, ang sabi nila, sorry for the mix-up.Anh sabi ko naman eh ayos lang yun, ang nakakasama ng loob eh wala man lang offer to replace yung maling delivery. Aba, hindi ako nagtatapon ng pera.

Sabi ko, palitan niyo man o hindi, here's your mistake at iniwan ko yung takeout sa counter nila at umalis.

Siyet, gutom pa naman ako.

1 comment:

elephantcom said...

I'm impressed with your site, very nice graphics!
»