Friday, July 21, 2006

Unang Saltik

ito ang aking unang saltik sa pagsusulat ng blog na tagalog. wow, mula sa ilang taong pagiingles eh napagisipan ko namang mamuna sa medium na ito. baka kako makalusot, eh subukan na rin.

ano ba ang ilalagay ko rito.balak ko eh mga puna-puna at mga kwentong halaw sa totoong buhay ko, pati na rin sa mga isyung bumabagabag sa lipunan natin, kasama na rin sa mga ibang bansa.

syet, grabe ang pressure, parang ang dami kong gustong ilapat pero di ko maiayos ang aking chain of thoughts.

pero, di bale, stick around at sana ay masiyahan kayo sa aking pagsusulat.

meron din akong ibang blog na nasa information superhighway, eto yung SLAP HAPPY, na matatagpuan dito at dito .

medyo, me katagalan din bago ko naisipang magsulat ng Filipino blog....sorry, hindi, pala, me dalawang oras lang. actually, pauwi ako sa bahay nun, medyo matrapik, nagmumuni-muni ako ng bigla kong naisip..namputa, magsulat kaya ako sa tagalog?

ayun na, hindi ko na macontain sarili ko. akala siguro ng mga katabi ko sa jeep na nababaliw ako dahil para akong tangang biglang nagngingiti at nagtatawa.

unang pumasok sa isip ko eh, ano naman ang ibibigay kong pangalan dito, hanggang sa naalala ko ang parating expression naming magkaibigan kapag may idea na pumasok...Hakampootah...hmmm, sabi ko, di naman siguro masama. Kaya eto na...

Ladies and Gentlemen, ang aking bagong blog.....Hakampootah!

1 comment:

bdfytoday said...

Here are some links that I believe will be interested