Saturday, November 24, 2007

Nobelista


Medyo busy ako nitong mga nakaraang araw at akin ng napagdesisyunang simulan ang nobela na pinakatagal tagal kong gawin.

Actually, nakakapanibago, kasi iba ang pagsusulat sa dyaryo at blog, pati na rin copy para sa ads, over writing your own novel. Mas mahirap ang proseso, kasi gusto mopng ilarawan bawat detalye ng nangyayari sa piankamagandang paraan na mavivisualize ng reader ang sinasabi mo.

Kanina natapos ko na nag page 1. (syet, sabi ko nga sa inyo mahirap.)

Pero wag kayong magalala, pag natapos nko na ito (siguro after 48 years) eh ititimbre ko agad sa inyo at kung ito man ay malathala ay siya ko namang pipirmahan para me souvenirs copy kayo hehehehe.

Pangarap kasi ng kahit na sinong manunulat na makapaglathala ng kanilang obra. Sa kaso ko, sa dami ng naiisip kong pwedeng iplot sa nobela eh siya ring dami naman ng ginagawa ko, kaya hayun, natengga na sa isp ko at di na mabalikan. (ehem, nawala ko kasi ung susi)

Pero heto, tinry kong subukan at baka nga makayanan. Try lang naman, sabi nga nila , di ba, try and try before you die....

Teka lang, me naisip kasi ako...babalik ako....

5 comments:

BURAOT said...

tsong, after 48 years at buhay pa ko, baka naman malimutan mo kopya ko ha? me otograph ska kissmark!

ronturon said...

naaalala mo pa ba ang mga nobela nating nagawa noong nasa mataas na paaralan tayo? aba, nagagawa nating pumuno ng isang kwaderno, sulat kamay pa! ngayon, pumirma na lang ng tseke eh nakakatamad pang gawin!

RhonB (aka Pinkoy) said...

Tonyo kaya mo yan. Medyo mahirap sa umpisa pero if you get the hang of it ika nga, tuloy tuloy na yan. Nag-attempt din ako dati nung medyo lata pa ako at wala pang masilya pero mahirap pag science fiction ang gusto mong gawin (maraming research!). Nga pala, tenk you talaga sa pagbisita sa blog ko ha. pramis gagawa ako ng tagalog version blog. medyo bine-break in ko pa sarili ko. Ingat!

RonTuron said...

indi ko yata maalalang sinabi ko yung "ronturon" sa taas pero oks lang.. hehehe...

frustrated novel writer din ako. ive started a couple of pieces na rin but finished none. siguro blogger lang talaga ako. hehe

pahingi din ng copy ng novel... yung 1st issue. :P


x's...

xlink?

Teodoro R Yangco Chapter said...

Brod, Salamat sa pagdalaw mo sa BloGazine ng TRY. Medyo nag post ako ng sagot sa iyong comments.

http://tryangco.blogspot.com/2008/09/bro-anthony-deleon-try-pmc.html#links

Pero kung busy ka sa nobela mo eh saka na lang. Sabi nga ng tropa mo eh kaya mo yan brod... kailangan lang ng inspirasyon. Naglalagalag ka dyan sa UAE, parang ang Alchemist... sa muli.

Kuyang Mario B Jr

http://ondaway2honey.blogspot.com/

http://www.jak-onthewayto.blogspot.com/