Monday, November 19, 2007

Lamig

Paglabas ko ng bahay kaninag umaga eh bigla akong kinilabutan sa lamig ng hangin na sumungaw sa mukha ko. Syet, sa sobrang lamig, walang sinabi ang Baguio at Tagaytay kapag pinagsama mo.

Palagay ko eh papasok na ang winter dito sa Dubai. Alm ko, alam ko, pumupukaw sa isip mo ngayon na "Anong winter eh nasa Middle East Ka?"

Lumalamig talaga dito, sabi nila dalawa lang talaga ang seasons dito sa Dubai, Summer and Winter. Pagkatapos ng pagkainit iit na summer eh big welcome sa akin itong pagpalit ng klima.

Kaakibat nitong bagong lamig eh ang makapal na fog na siya naman talagang babalot sa buong siyudad kapag nakita mo. In fact, Alas siyete pasado na at mataas na ang sikat ng araw eh puro fog pa makikita mo sa daan. Mas malamig ang mga ulo ng mga tao ngayon at hindi katulad ng dait na pati ang betlog mo nagiging hard boiled sa init.

Pag nakakita ka nga ng kabayan n gayon o kahit na mapaibang lahi eh nakangiting bumabati ng hi and hello.


Pag ganito actually ang klima, mas masarap umuwi na lang at magsnuggle up kasama ang mga mahal mo sa buhay. (Dati, marami akong mahal, ngayon isa na lang hahahaha)

Teka, baka kung ano pa masabi ko dito. Magpapalamig muna ako.

2 comments:

BURAOT said...

honga winter na. kahit nirarayuma na ko sa lamig, mas type ko pa rin kesa mainit.

ronturon said...

ang galing mo ding kumabig sa safe side, 'no pare? baka mabasa ni mareng mabel ito, sige ka! he he.